Niyapos ko ang luha ng
langit
Nilasap ang alat ng
kalikasan
Umasa akong
Matatapos din ang ulan
Niyapos ko ang ulan
Hindi naubos ang luha ng
langit
Sa gitna ng hinagpis ng
kalikasan
Pilit kong tinanaw ang ligaya
sa lumbay
Niyapos ko ang luha ng
langit
Isiningaw ng kalikasan ang
init ng araw
Hindi matakasan ang daang
balot sa ulan
Ako’y nagtampisaw sa lawa ng
luha
Niyapos ko ang ulan
Nagpaubaya sa hampas ng hangin
Nagpabalot sa lamig
Nilimot ang hapdi ng unos
Niyapos ko ang luha ng
langit
Dinama ang agos ng tubig
Niyapos ako ng kalikasan
Saka ko naintindihan- boyetme 8/4/12
No comments:
Post a Comment